Wednesday, October 26, 2011

BAKA LANG MAKATULONG KABAYAN! with Macho Bretana.

1. Extensive crackdowns on overstayed migrant workers.

  • Kasalukuyang isinasagawa ang crackdown sa mga piling lugar sa Korea.
  • Isinasagawa ito ng pinagsamang puwersa mg Ministry of Labor, Immigration at mga Police.

2. Pinapayuhan ang lahat ng mga apektado nating kababayan na umiwas sa mga lugar na madalas Pagmulan ng kaguluhan tulad ng inuman, mga lugar na lumilikha ng malakas na ingay na maaaring pagmulan ng reklamo, noraebang at iba pang mga kahalintulad na lugar.

3. Isasagawa ang crackdown sa mga pagawaan at iba’t-ibang pampublikong lugar.

4. Ang anumang pagawaan na mahuhulihan ng overstayed migrant workers ay pagmumultahin ng hanggang 20 million won at hindi papayagang makapaghire ng migrant workers sa loob ng 3 taon.

5. Dobleng ingat. Marami na ang isinasagawang raid sa mga pagawaan at iba’t-ibang lugar. Marami na din ang bilang ng mga nahuhuli sa hindi inaasahang pagkakataon at lugar.May mga pangyayari din na sapilitang pinapasok ang mga bahay at lugar na pribado, mga lugar na akala natin ay ligtas na para sa mga kababayan nating walang pinanghahawakang papel.

6. Piliin nating hikayatin na huwag tumakas ang mga kababayan nating may legal na estado o ang mga nakapaloob sa programa ng EPS. Kung may mga problema mang kinakaharap – mas makakabuting tulungan natin silang masolusyunan o di kaya’y ilapit sa mga institusyon na mas higit na makakatulong sa kanilang mga suliranin sa pagawaan.

  • ALAMIN ANG MGA BATAS AT KARAPATAN NG BAWAT ISANG MANGGAGAWA. Ito ang pinakamabisang paraan para malaman ang tamang gagawin sa panahon na nakakaramdam kayo ng mga problema sa inyong mga trabaho lalong-lalo na sa mga kababayan nating may papel na pinanghahawakan.

7. Palagiang dalhin ang passport, travel documents o alien card.