Saturday, July 10, 2010

Kumuha ng Appointment Para sa ePassport Application


Sa Linggo, 01 ng Agosto 2010, sisimulan na ang pag-issue ng ePassports sa South Korea. Kailangang kumuha muna ng ‘Appointment ’ sa pag-apply ng ePassport.

Sa Appointment System, ang aplikante na may approved appointment sa takdang araw at oras lamang ang sisilbihan ng Embassy. Hindi na bibigyang daan ang ‘walk-in’ applicants simula 1 Agosto, kahit sa ikauna at ikatlong Linggo ng bawat buwan.

Paano mag-set ng appointment ?

Simula ng 15 ng Hulyo 2010, ang aplikante ay dapat (1) tumawag sa ePassport Application Hotline No. 010-9385-0535 mula 9:00am hanggang 5:30pm; o puede rin (2) mag-email sa epassport@philembassy-seoul.com. Ibigay ang sumusunod na impormasyon:

1. Buong pangalan (Ex. Bobby Perez Mercado)
2. Petsa at lugar ng kapanganakan ( Ex. January 1, 1960, Manila)
3. Lumang Green or Maroon Passport Number
4. Mobile or landline telephone number sa Korea

Bibigyan ang aplikante ng petsa at reference number. Ang petsa ay ang araw at oras ng pagpunta sa embahada para mag-apply ng ePassport. Sa takdang araw at oras lamang pagsisilbihan ang aplikante.

Huwag Intayin Mag-expire ang Inyong Passport

Pinapaala sa lahat na mag-apply ng ePassport anim na buwan bago mag-expire ang kasalukuyang passport bilang paghahanda sa ano mang emergency. Dahil po sa dami ng mga passport applicants bawat araw, at lalo na tuwing una at ikatlong Linggo ng bawat buwan, ang mga may appointment lamang sa mga nakatakdang araw at oras ang mapapagsilbihan. Maraming salamat po.

PHILIPPINE EMBASSY